Business

HIGIT 400,000 MAYNILAD CUSTOMERS, APEKTADO SA PAGKAPUTOL NG TUBIG; MAINTENANCE SA PANGUNAHING PIPELINE, ISASAGAWA

Mahigit 400,000 customer ng Maynilad ang inaasahang makaranas ng pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig mula Oktubre 10 hanggang Oktubre 11 dahil sa maintenance work sa isang pangunahing pipeline sa Novaliches, Quezon City.

ED

By Errol Dacame

October 10, 2026 · 10:47 PM · Updated 1 week ago

METRO MANILA / BULACAN — Mahigit 400,000 customer ng Maynilad ang inaasahang makararanas ng pansamantalang pagkaantala ng suplay ng tubig simula alas-10:00 ng gabi ngayong Oktubre 10 hanggang alas-3:00 ng hapon bukas, Oktubre 11, dahil sa nakatakdang maintenance work sa isang pangunahing pipeline sa Novaliches, Quezon City. Kabilang sa mga apektadong lugar ang ilang bahagi ng Caloocan City, Valenzuela City at Quezon City, gayundin ang mga bayan ng Meycauayan at Obando sa Bulacan. Ayon sa ulat, isasagawa ang maintenance sa pipeline na matatagpuan sa General Luis Street sa Novaliches upang maisagawa ang kinakailangang pagkukumpuni o pagpapanatili sa pasilidad ng suplay ng tubig.

Related Stories